Patay ang dating radio broadcaster na si Ali Macalintal nang pagbabarilin sa loob ng isang wellness clinic sa General Santos City kaninang alas-6 ng umaga, June 23.
Ayon sa inisyal na ulat, nagpanggap ang suspek bilang kliyente at nang makapasok sa loob ay pinagbabaril na nito si Macalintal.
Nadala pa ang biktima sa ospital pero kalauna’y idineklara nang dead-on-arrival ng doktor.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo nito sa krimen.
#D8TVNews #D8TV