PBBM, bumisita sa Marawi City

Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Barangay Sagonsongan in Marawi City, Lanao del Sur ngayong araw, June 23, upang alamin ang kalagayan ng mga Temporary Learning Spaces (TLS) sa lugar.

Sa kanyang pag-iinspeksyon, nalibot at nakita ng Pangulo ang lagay ng mga TLS na nagsisilbing paaralan ng limang eskwelahan na may estudyanteng aabot sa 720.

Dagdag pa rito, nag-donate din ang Pangulo ng isang Starlink unit sa Bangon Elementary School, Bacarat National High School, Angoyao National High School at Cabasaran Primary School upang masigurado ang maayos na koneksyon sa internet ng mga eskwelahan.

Ayon pa sa PCO, namahagi din ang Opisina ng Presidente ng bag na may lamang school supplies upang mas lalo pang matulungan ang mga estudyante.

Matapos bumisita sa mga TLS, bumisita rin si Pangulong Marcos sa Marawi Port bilang bahagi ng rehabilitasyon ng Marawi City.

Ang nasabing proyekto ay may 8,000-square-meter backup area, single-storey passenger terminal building na kayang maglaman ng aabot sa 132 katao, fish port, berthing facilities, at rampa para sa mga RoRo, na nagkakahalaga ng aabot sa ₱261.5 million. Ι via Florence Alfonso | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *