PDP Laban, humiling sa SC ng ipag-utos ang manual recount sa 2025 senatorial elections

Naghain ng petisyon ang PDP Laban ngayong araw sa Korte Suprema na kaugnay sa pagsasagawa ng manual recount sa boto ng pagkasenador sa nagdaang eleksyon.

Sa Facebook post ni Atty. Israelito Torreon, ibinahagi nito ang litrato kasama si Atty. Jimmy Bondoc na nagsusumite ng mosyon.

Matatandaang humiling din ang PDP Laban noong Abril sa paggamit ng manual recount sa halalan at pagtutol nito sa internet voting para umano sa malinis na halalan.

Sa kanilang bagong petisyon, inihayag nilang maisama ang kanilang naunang petisyon kasama ang manual recount sa pagkasenador nitong 2025 elections. | Photo Courtesy: Facebook/Israelito Torreon

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *