Ipinatupad na ang visa-free entry para sa mga Taiwanese tourists na nagnanais bumisita sa Pilipinas simula Hulyo 1, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Batay sa advisory na inilabas ng MECO noong June 19, maaaring manatili sa bansa ang mga turista mula Taiwan nang hindi lalagpas ng 14 days, ngunit ito ay limitado lamang para sa tourism purposes at may kondisyong hindi ito maaaring i-extend o i-convert.
Ang magandang bilateral na kasunduan na ito ay nagsilbing tugon din sa naging desisyon ng Taiwan na palawigin ng isa pang taon ang visa-free privilege para sa mga Pilipinong turista sa kanilang bansa.
Kailangan lamang nilang magpresenta ng pasaport na may bisa na hindi bababa sa 6 na buwan, confirmed hotel accommodation, proof of financial capacity, at return o onward ticket patungo sa susunod na bansang patutunguhan.
Para naman sa mga taiwanese na nagnanais manatili nang higit sa 14 days o may ibang layunin pa ang pagbisita, kinakailangang nilang mag-apply ng visa at ipasa ang iba pang dokumento gaya ng application form, passport copy, Taiwan ID, round-trip ticket, at visa application fee. | via Clarence Concepcion | Photo via Bureau of Immigration
#D8TVNews #D8TV