PCSO, nakiisa sa ‘Lab For All” program ni First Lady Marcos

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagsulong ng kawanggawa para sa mga Pilipino, matapos makipag-ugnayan sa ‘Lab For All’ program ni First Lady Liza Marcos noong June 17 sa Aguilar Sports Complex, Pilar Village, sa lungsod ng Las Piñas.

Sa pakikilahok ng PCSO sa programa, matagumpay itong nakapagbigay ng 1,500 ‘Charitimba’ food packs na ibinahagi sa mga residente ng lungsod, partikular na sa mga indigent, senior citizen, at may kapansanan.

Pinangunahan naman ni PCSO General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang pormal na pag-turnover ng tseke ng lotto shares na nagkakahalaga ng 4.1 million pesos kina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Nery.

Nangako naman ang ahensya na hindi ito tatalikod sa mga programang naglalayong tumulong at magbigay ng iba’t ibang libreng serbisyo sa mamamayang Pilipino. | via Clarence Concepcion | Photo via Melquiades Robles’ Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *