50 barko ng China, namataan sa West Philippine Sea

Namataan ang nasa 50 Chinese maritime militia vessels sa paligid ng Rozul reef sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Spokesperson for West Philippine Sea Jay Tarriela, agad naman silang nagpadala ng barko at aircraft para imbestigahan ang sitwasyon.

Nagsagawa naman ng radio challenge ang PCG para mag-abiso sa mga barko ng China na sila ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na may layong 130 nautical miles sa baybayin ng Palawan.

Sa kasamaang palad, walang natanggap na tugon ang PCG matapos nilang linawin ang pakay at patigilin ang pagkukumpulan ng mga barko ng China.

Tiniyak naman ng PCG na sila ay nakatutok sa pangangalaga sa hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. | via D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *