Nagtagumpay si Joshua Pacio laban kay Jarred Brooks sa pamamagitan ng technical knockout sa ikalawang round ng kanilang laban sa ONE 171: Qatar nitong Biyernes ng umaga (oras sa Maynila). Sa panalong ito, kinoronahan siyang undisputed ONE strawweight MMA world champion.
Matapos ang maagang pagsubok ni Brooks na tapusin ang laban sa pamamagitan ng submission, nakaligtas si Pacio at bumawi ng matitinding suntok. Sa ikalawang round, nagpakawala siya ng malalakas na ground and pound strikes, dahilan upang itigil ng referee ang laban sa 4:22 mark.
Matapos ang laban, naging emosyonal si Pacio at nagpasalamat sa kanyang tagumpay. Bukod sa titulo, nakatanggap din siya ng $50,000 performance bonus. Ipinahayag din niyang bukas siya sa muling paghaharap nila ni Brooks sa hinaharap.
Sa iba pang laban, matagumpay na naipagtanggol ni Jonathan Haggerty ang kanyang ONE bantamweight kickboxing title, habang tinalo naman ni Roberto Soldic, Shamil Erdogan, at Shamil Gasanov ang kani-kanilang mga kalaban. Samantala, natalo si Kevin Belingon via split decision laban kay Bibiano Fernandes. – via Allan Ortega
Joshua Pacio, Kampeon ng ONE Strawweight MMA World Championship
