PAF, inihahanda ang mga bagong tinyente

Bilang bahagi ng paglilinang sa bagong commissioned Second Lieutenant (2LTs) ng PMA Siklab-Laya, nagsagawa ang Philippine Air Force (PAF) ng introductory briefing tungkol sa sistema ng kanilang samahan.

Ang nasabing briefing ay nagtagal ng dalawang araw mula June 17 hanggang June 18 na ginanap sa VAB Golf Club Social Hall, Colonel Jesus Villamor Air Base (CJVAB), Pasay City.

Nilahukan ito ng 58 2LTs na kung saan sila ay nabigyang kaalaman patungkol sa kanilang uniform, grooming standards, sistema ng promosyon sa PAF, at iba pang bagay upang ihanda sila sa tunay na serbisyo.

Dagdag pa rito, nagbigay rin si Acting Commanding General of the PAF, MGen Aristotle D Gonzalez PAF ng lektura tungkol sa Strategic Career Management. | via Florence Alfonso | Photo via Philippine Air Force

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *