Natukoy na ng Gobyerno ang mga ligtas na ruta para makauwi ang mga naiwan na OFWs sa Middle East dahil sa gitna ng alitan ng Israel at Iran, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., June 18, 2025.
Ayon din kay PBBM, patungo na si Department of Migrant Workers Hans Leo Cacdac sa Jordan upang talakayin ang magiging proseso ng pagpapauwi sa mga Pilipino.
“Ang naging problema natin sa pag-evacuate sa kanila ay dahil sa giyera, maraming sarado na airport. Kaya naghahanap tayo ng ruta kung saan sila mailabas. But we have been able to do that,” ani Pangulong Marcos.
Dagdag pa ng Gobyerno, hindi pa pumapalo ng Alert Level 4 ang tensyon ng dalawang bansa, dahilan upang hindi pa ipatupad ang “mandatory repatriation.” | via Florence Alfonso | Photo via PCO
#D8TVNews #D8TV