
Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng shear line sa Caraga Region, sinuspinde ng mga lokal na pamahalaan ang klase ngayong Biyernes (Peb. 21, 2025) para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa Tandag City, Surigao del Sur, inanunsyo ng city government ang suspensyon ng klase mula kindergarten hanggang senior high school sa pampubliko at pribadong paaralan. Gayundin, sinuspinde ang klase sa mga bayan ng Cortes, San Miguel, Hinatuan, at San Agustin sa Surigao del Sur, pati na rin sa Bayugan City, San Francisco, Talacogon, Esperanza, Veruela, at La Paz sa Agusan del Sur.
Samantala, patuloy na binabantayan ng PDRRMO ng Agusan del Sur ang mga pangunahing ilog sa lugar.
#WalangPasok