AFP nakiisa sa anibersaryo ng VFP

Tagumpay na nakiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ika-65 na anibersaryo ng Veterans Federation of the Philippines o (VFP), kanina lamang.

Kabilang sa mga dumalo sa seremonyang ito ay ang Department of National Defense (DND), Undersecretary Ireneo C. Espino na nagsilbing Guest of Honor at Speaker din kasama si AFP Vice Chief of Staff LtGen Jimmy D. Larida, at iba pang beteranong pinuno ng militar bilang pag-alala sa mga tagapagtanggol ng bayan at itinuturing na mga bayani.

Naitatag noong 1960 ang Veterans Federation of the Philippines, na siyang naging daan upang muling magkaisa ang mga Filipino Veterans sa ilalim ng iisang layunin, na taas-noong ipaglaban ang karapatan at kabuhayan ng mga Pilipino.

Nanatiling may malaking tungkulin ang organisasyong ito, dahilan ng pakikilahok sa mga gawaing para sa pagkakakilanlan ng bayan, pagpapahalaga sa kasaysayan at pakikipagtulungan para sa ikabubuti ng lipunan.

Ang AFP kasama na ng VFP ay muling pinagtitibay ng parehong dedikasyon, sa pag-alala sa kahapon habang patuloy namang naglilingkod sa mga Pilipino nang may dangal at kagitingan. | via Ghazi Sarip | Photo via AFP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *