20-pesos na bigas, pananatilihin ni Marcos

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mananatili ang abot-kayang presyo ng bigas sa kanyang termino, na dulot ng tumataas na produksyon ng palay sa mga nagdaang taon.

“Since our [rice] production is already going up, bababa ang cost of production. Since bababa ang cost of production, edi ang pagbenta ng NFA [rice] ay pababa nang pababa,” saad ni Marcos. “That’s why I’m so confident na masabi na sustainable,” dagdag pa niya.

Kumpyansa rin ang Pangulo na malalampasan ng produksyon ng palay ngayong 2025 ang parehong mataas na produksyon noong 2023 at 2024.

Nilinaw naman ni Marcos sa mga lokal na magsasaka na hindi ibababa ang buying price ng bigas kahit patuloy ang implementasyon ng mababang presyo ng bigas.

“We have to support them. So kahit ano pa ang mangyari sa presyo ng bigas na ipinagbibili sa mga palengke, hindi natin ibababa ang buying price ng NFA. Never bababa ’yan,” paglilinaw nito. | via Clarence Concepcion | Photo Screengrab from Bongbong Marcos’ Youtube Channel

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *