Nagpunta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa San Francisco High School (SFHS) ngayong Miyerkules, June 18, upang bisitahin ang nasunog na paaralan noong Linggo, June 15, isang araw bago magsimula ang pasukan ng mga mag-aaral.

Ayon sa ulat, ang nasabing sunog sa SFHS, Quezon City ay nagdulot ng humigit-kumulang ₱3 milyong danyos, sumira sa 10 silid aralan, at nakaapekto sa 720 na estudyante ng nasabing paaralan.
Sa kabila nito, tuloy ang pasok ng mga estudyante na ginaganap ngayon sa DepEd Building A bilang pansamantala at alternatibong paaralan.
Dagdag dito, ipinag-utos din ni PBBM kay Department of Education Secretary Sonny Angara ang agarang pagkumpuni sa napinsalang gusali at pagtiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Kaugnay nito, nagbigay ang DepEd ng ₱100,000 upang maumpisahan ang pagkumpuni sa paaralan, partikular sa nangangailangan ng agarang pag-aayos. | via Florence Alfonso | Photo Screengrab from RTVM’s Facebook
#D8TVNews #D8TV