₱9.5B halaga ng droga nasabat sa loob lang ng 2 linggo

Todo at seryoso ang PDEA kasama ang PNP, NBI, PCG at iba pa. Mula May 30 hanggang June 13, 167 ang naaresto sa 155 na operasyon sa buong bansa.

Mahigit 1 tonelada ng shabu ang nakuha kabilang ang 1,040 kg sa Ilocos at Pangasinan, 124.7 kg sa Pasig, at 220 kg sa Bataan. Sa Benguet, winasak ang 42,000 marijuana plants. Narekober din ang 4.9 kg Kush, 30 kg tuyong dahoon, 75,993 tanim, 4,400 seedlings, 16 grams cannabis candy at Higit 3,000 ecstasy tablets.

107 pusher ang mga naaresto, 33 parokyano ng drug den, 10 operator, 6 empleyado, 8 tagapagtago, 2 courier at 1 user.

Ayon kay PDEA Chief Usec. Isagani Nerez: “Hindi na reactive, intelligence-based na tayo ngayon. Target namin ang ugat, hindi lang ang bunga!”

Hindi lang ito basta stats dahil bawat kilo ng droga buhay at pamilya ang nailigtas. | via Lorencris Siarez | Photos via PDEA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *