Dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East, inaasahan na ng pamahalaan ang patuloy pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sakaling mangyari ito ay handa ang pamahalaan na magbigay ng subsidiya sa mga apektadong sektor tulad ng transportasyon, mga magsasaka at mga mangingisda.
Samantala, hindi pa naman magpapatupad ang pamahalaan ng mandatory repatriation sa mga Pilipinong naipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Iran.
#D8TVNews #D8TV