May isang taon na lamang ang mga pulis na itinuturing na tabatsoy overweight, ito ang mahigpit na direkta si Philippine National Police (PNP) chief Police General Nicolas Torre III para sa mga kapulisan na hindi magbabawas ng kanilang timbang.
Ito umano ay bilang pagsunod din sa section 30 of Republic Act No. 6975 o ang Department of Interior and Local Government Act of 1990 na ang timbang ay hindi daat sobra ng limang kilos ng kaniyang tangkad
Sa ilalim panuntunang ito ang mga kapulisan na lagpas sa standard na timbang ay bibigyan ay may anim hanggang isang taon lamang para magpapayat o maging normal ang timbang.
Sakaling hindi pa rin mabawas ang timbang ng isang taon ay doon na sila masisibak sa tungkulin.
Ani Torre, hindi siya magdadalawang-isip na ipatanggal ito sa serbisyo kung hindi ito makamit.
Habang ang mga mayroong medical conditions ay mahaharap sila ng compelete disability discharge o kaya maililipat ang mga ito sa administrative work.
Dagdag pa rito, una nang sinabi ni Torre na kailangan physically fit ang mga pulis upang mabilis na makaresponde | via Ghazi Sarip | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV