Jay Ruiz, muling itinalaga ni PBBM bilang PCO chief

Magpapatuloy sa pamumuno bilang hepe ng Presidential Communications Office (PCO) ang batikang mamamahayag na si Jay Ruiz, matapos muling italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kinumpirma ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pamamagitan ng isang text message sa mga Malacañang reporters kaninang umaga, Martes, June 17.

Ang re-appointment ni Ruiz bilang PCO Chief ay nagsilbing tugon ni Marcos sa pagkaka-bypass ng kanyang ad interim appointment ng Commission on Appointments.

Naunang itinalaga si Ruiz noong Pebrero 2024 at nangakong paiigtingin ng PCO sa ilalim ng kanyang pamumuno sa tulong ng kanyang karanasan bilang beteranong mamamahayag, ang pagbibigay ng malinaw, tumpak, makabuluhan, at mapagkakatiwalaang impormasyon upang gabayan ang publiko sa paggawa ng matalinong desisyon. | via Clarence Concepcion | Photo via Presidential Communications Office

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *