109 na mga pinoy sa Israel humihingi ng repatriation sa DMW

Nais makauwi ng 109 Pilipino sa Israel habang patuloy ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at mga grupong Palestino, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Lunes, Hunyo 17.

Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, pinoproseso na ang kanilang repatriation sa koordinasyon ng embahada at Israeli authorities. Simula pa noong 2023, umabot na sa mahigit 1,200 OFWs mula sa Israel, Gaza, at Lebanon ang na-repatriate ng pamahalaan.

Dagdag ng DMW, ligtas pa naman ang karamihan ng mga Pilipino sa Israel, ngunit patuloy ang monitoring sa sitwasyon. Kapag humiling ang isang OFW ng repatriation, agad itong inaaksyunan. Nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon, na lalo pang nagpapataas sa panganib sa mga Pilipinong manggagawa roon. | via Dann Miranda | Photo via DMW

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *