400 lending companies binawian ng rehistro ng SEC

Kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang rehistro ng mahigit 400 lending at financing companies dahil sa kabiguang magsumite ng mga ulat sa loob ng limang taon.

Ayon sa SEC, hindi nakapagsumite ng audited financial statements at general information sheets ang mga kumpanya kahit may iniaalok na amnesty program. Batay sa Revised Corporation Code, ang hindi pagtupad sa obligasyon ng isang korporasyon ay maaaring magresulta sa pagkaka-delinquent ng rehistro, at tuluyang pagkakabuwag nito.

Bahagi ito ng hakbang ng SEC laban sa mga mapanlinlang na pautang at para tiyaking ligtas ang mga konsumer sa mga ilegal na operasyon. | via Dann Miranda | Photo via SEC

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *