“Hindi consultant ang SC” – Pimentel

Iginiit ni Senator Koko Pimentel na hindi dapat iasa sa Korte Suprema ang lahat ng kontrobersyal na isyu sa Kongreso, lalo na kung walang malinaw na aksyon mula rito.

“Hindi consultant ang Supreme Court,” ani Pimente, kasabay ng babala na hindi dapat inaakyat sa SC ang lahat ng maliit na bagay. Aniya, kung walang inilalabas na temporary restraining order (TRO), dapat ituloy ang proseso.

Sa kabila ng dalawang kasong nakahain kaugnay sa isyu, wala pa umanong kilos mula sa Korte Suprema. “Kung walang TRO, walang dahilan para ihinto ang proceedings. Huwag tayong mag-interpret ng kung ano-ano. Ang korte ay hindi political body,” dagdag ni Pimentel.

Binigyang-diin niyang ang trabaho ng SC ay batay lamang sa batas, hindi sa political pressure. Kung may utos ito, dapat sundin; kung wala, dapat magpatuloy ang mga proseso sa Kongreso. Tinuligsa rin niya ang ilang kasamahan sa Senado na agad ipinapasa ang responsibilidad sa SC. “Ang taongbayan ang tunay na kausap. Kung may agam-agam sila, sila ang may karapatang kumuwestyon hindi dapat tayo ang umiiwas,” ani Pimentel. | via Dann Miranda | Photo via Senate of the Philippines

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *