Matagal na impeachment trial ang inaasahan ni House Prosecution Panel Spokesperson Atty. Antonio Bucoy para kay Bise Presidente Sara Duterte dahil sa mga pagkaantala sa proseso.
“Will there be a swift trial? It doesn’t look that way. There’s so much foot dragging on the part of the impeachment, also on the part of the impeached official,” hayag ni Bucoy sa isang live press conference ng House ngayong Martes, June 17, 2025.
Ayon din sa kanya, sa oras na umusad ang impeachment trial, hindi gagawa ng paraan upang maantala ang proseso.
“Sa panig ng prosekusyon, hindi po ang prosekusyon ang magbibigay ng dahilan para maantala ito. Ang gusto ng prosekusyon, “swift trial,” wika ni Bucoy.
Dagdag pa ni Bucoy, marapat lamang na unahin ng mga mambabatas na unahin ang impeachment trial dahil nahahati ang atensyon ng mga ito, dahilan upang lalong maantala ang proseso.
“Ang impeachment should be given priority. At a certain hour, they should stop their legislative work and conduct the trial. So nahahati ang atensyon, hindi maganda ‘yan,” ayon kay Bucoy. | via Florence Alfonso | Photo via House of Representatives
#D8TVNews #D8TV