₱7.9-M high-grade marijuana, nakumpiska ng BOC sa Pasay City

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang 5.7 kilo ng kush o isang high-grade marijuana na nagkakahalaga ng ₱7.9 milyon sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

10 parcel na nakapangalan sa iba’t ibang receipient ang kahina-hinalang dumaan sa x-ray screening matapos ay isinailalim sa masusing inspeksyon ng mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Agad naming itinurnover sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang marijuana para sa karagdagang imbestigasyon.

Posibleng maharap ang mga sangkot sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. | via Alegria Galimba | Photo via Bureau of Customs

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *