Bagong impeachment complaints vs VP Sara, hindi pa pasok sa 1 year ban

Ayon ito kay San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora. Dagdag pa nya, atay sa kaso ng Francisco v. House of Representatives, magsisimula lamang ang one-year prohibition ng impeachement complaints kapag ang mga reklamo ay naipasa na sa House Committee on Justice.
Dalawang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema upang pigilan ang impeachment trial. Iginiit nga na hindi sinunod ng Kamara ang mga panuntunan ng Saligang Batas. Gayunpaman, sinabi ng House Secretary General na walang saysay na ang usapin dahil nailagay na sa archive ang tatlong hindi nagamit na reklamo.
Si Duterte mismo, kasama ang kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay humiling din sa Korte Suprema na pigilan ang impeachment trial. Sa kabila nito, iginiit ng Kamara na legal ang proseso at noong Pebrero 5, 2025, naipasa na sa Senado ang mga artikulo ng impeachment matapos pirmahan ng 215 kongresista. – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *