Balik-Eskwela, Tagumpay sa kabila ng mga hamon ayon sa TDC

Tagumpay ang pagbabalik-eskwela sa mga pampublikong paaralan ngayong araw ayon sa Teachers’ Dignity Coalition o (TDC), pero sa kabila nito, sari-saring hamon sa paulit-ulit na mga suliranin ang hindi pa rin nareresolba. Ilan dito ay ang kakulangan sa classroom, mga materyales kaugnay ng bagong curriculum, malinis na tubig, maayos na mga furniture at cr.

Dagdag pa ng TDC, nasa likod ng mga hamong ito ay ang mga gurong nagsisikap na maitawid ang kaayusan at pagkatuto sa bawat classroom bagama’t hindi sapat ang sahod, pagkapabaya sa kabuhayan at ang malaon nang nakakalimutang Magna Carta for Public School Teachers na may overtime pay, paid study leave, medical benefits at hardship allowance—rights na nananatiling hindi naisasagawa nang mag-aanim na dekada na.

Panawagan ng TDC sa Department of Education (DepEd) at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon pa ng mas kongrektong mga solusyon sa mga problemang nabanggit., kung tunay na seryoso umano ang pangulo sa layuning ito, ay bibisita ito sa public school apat na beses sa isang taon, hindi para sa publicity kundi para sa makabuluhang ugnayan at konsultasyon sa pagitan niya, ng mga guro at mag-aaral.

Ayon pa sa kanila, nagsisimula ang tunay na reporma sa edukasyon sa pamamagitan muna ng pagkakaroon ng sapat na sahod at suportang kinakailangan ng mga guro, dahil walang curriculum, imprastraktura, at programang magtatagumpay kung ‘yung mga dapat na gumawa nito ay walang sapat na kalinga.

Sa taong ito, muling nananawagan ang TDC sa pamahalaan para sa mas komprehensibong solusyon sa mga suliraning hinaharap sa loob ng classroom, ng mga guro at ng mga mag-aaral.

Patuloy umano silang makikipag-ugnayan sa Deped, sa Kongreso at sa iba pang ahensyang makatutulong sa tunay na reporma na para din sa kabuhayan ng mga guro at sa kinabukasan ng mga estudyante. | via Ghazi Sarip | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *