Labing walong OFW na apektado ng tensyon sa Middle East, nakauwi na

Ligtas na nakauwi ng bansa galing Middle East ang labing walong stranded na overseas Filipino workers na apektado ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare (OWWA), ngayong araw, June 16, 2025.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac, may malinaw na utos at handang tumulong ang Gobyerno ukol sa isinagawang pagpapauwi sa mga OFW na apektado ng tensyon.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. gave clear directives to help our Kababayans, our OFWs, who are affected by the ongoing tensions in the Middle East. We stand continually ready to asist and support our OFWs who wish to go home for safety and security,” ani Cacdac.

Sinugurado rin ni Cacdac, kasama si OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan ang buong tulong at suporta ng gobyerno sa mga napauwing OFW sa kanilang pagdating sa NAIA Terminal 1, Pasay City.

Bagamat naudlot ang pag-uwi dahil sa pansamantalang pagsasara ng mga paliparan dahil sa nagaganap na tensyon, nagbigay dig agad ang DMW ng airport assistance at mga pagkain bago sumakay ang mga OFW sa Philippine Airline Flight PR 659 nitong nakaraang gabi, June 15, 2025.

Dagdag pa rito, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin pa ang lagay ng sitwasyon sa Middle East upang masiguro ang kalagayan ng mga OFW. | via Florence Edmar Alfonso | Photo via Department of Migrant Workers

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *