Hinihikayat ng Meralco ang mga qualified customer na mag-apply sa kanilang lifeline rate program.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, pasok dito ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at mula sa marginalized household basta’t may sertipikasyon mula sa kanilang lokal na Social Welfare and Development Office (SWDO).
Samantala, nagpaalala rin ang Meralco sa mga consumer na may edad 60 pataas na maaari ding mag-apply para sa senior citizen discount para makakuha ng 5% na bawas-singil sa kanilang Meralco bill hangga’t ang kanilang konsumo ay hindi lalampas sa 100 kWh. | via Alegria Galimba | Photo via Wikipedia
#D8TVNews #D8TV