Naghandog ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR ng PHP16.20 million na halaga ng patient transport vehicles o PTV sa walong Local Government Agencies (LGU) ng Luzon.
Batay sa pahayag ng PAGCOR kamakailan, ang mga nakatanggap nito umano ay ang bayan ng Rosario at Cuenca sa Batangas, bayan ng San Mateo sa Isabela, bayan ng Pola sa Oriental Mindoro, at ang mga munisipalidad ng Dumaran, Brooke’s Point, Magsaysay, at Coron sa Palawan.
Dumalo ang mga kalihim at opisyal ng LGU sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay upang tanggapin ang mga donasyon.
Ang bawat sasakyan na ito ay may emergency medical features na kinakailangan gaya ng GPS navigation system, ambulance stretcher, oxygen supply, wheelchair, at first aid kit.
Ayon kay PAGCOR chairperson and chief executive officer Alejandro Tengco, makatutulong ang mga sasakyang ito sa mas mas mabilis na pagresponde ng local health units higit Lalo sa mga lugar na may limitadong ospital.
Ang programang ito ng PAGCOR ay kabilang sa hangarin nilang makatulong sa mga LGU para sa mas magandang serbisyo ng healthcare.
Sa pamamagitan nito umano ay makatatanggap din ng tulong mula sa kanila ang mga nangangailangan higit lalo sa mga liblib na lugar. | via Ghazi Sarip | Photo Courtesy of PAGCOR
#D8TVNews #D8TV