Mga nagpapakalat ng fake news, itinuturing na ‘salot’ ni PBBM

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan ngayong araw, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang flag at wreath laying ceremony sa Luneta Park kaninang umaga.

Sa talumpati naman ni Pangulong Marcos sa Quirino Grandstand, nagbigay-pugay ito sa mga bayaning nag-alay ng pawis, dugo at pangarap para makamit ang kasarinlan ng Pilipinas.

Iginiit ng pangulo na ngayong malaya na ang bansa, hindi kasalanan ang pagbibigay ng opinyon at hindi mali ang kritisismo.

Itinuring naman ni Pangulong Marcos bilang salot sa kalayaan ng bansa ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon at balitang walang katotohanan.

Kaya naman pinaalalahanan ng Pangulo ang mga Pilipino na maging mapanuri at labanan ang fake news.

Payo ng ni Pangulong Marcos, piliing maging tapat kahit walang nakakakita at piliin ang pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. | via Alegria Galimba | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *