


10 timbog sa Bataan buy-bust, 82 libing halaga Ng shabu nasamsam
BALANGA CITY, BATAAN – Sampung indibidwal ang nasakote at Php 82,000.00 na halaga nang shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation sa Barangay Ibayo sa ganap na 12:51 ng hapon (Pebrero 20).
Ang mga nadakip ay kinilala bilang sina:
- Alias JEN, female, 44 years old;
- Alias LILY, female, 52 years old;
- Alias CRIS, male, 33 years old;
- Alias AL, male, 37 years old;
- Alias OFELIA, female, 54 years old;
- Alias EDY, male, 37 years old;
- Alias ROM, male, 49 years old;
- Alias JOE, male, 24 years old;
- Alias MANNY, male, 62 years old; and
- Alias RAY, male, 28 years old.
Ayon sa PDEA Bataan Provincial Office, ang mga nasakoteng suspek ay under surveillance sa PNP and PDEA magmula pa noong Disyembre 2024.
Tinatayang 15 gramo ng shabu na na nagkakahalaga na Php 82,000.00; assorted drug paraphernalia; at marked money ang nakumpiska mula sa mga nahuling suspek.
Ayon sa PDEA, Ang nakumpiskang edidensiya ay dadalhin sa PDEA RO3 laboratory section upang dumaan sa forensic examination.
Haharapin nang mga suspek ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.