Inihayag ni Senate President Francis Escudero na wala pang inihahaing resolusyon para ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa pulong balitaan kaninang umaga, iginiit ni Escudero na hindi aaksyunan ng Senado ang anumang bagay na hindi pa pormal na naihahain.
Noong nakaraang Miyerkules, June 4, ay inamin ni Senator Ronald dela Rosa na siya ang nasa likod ng isa sa mga draft na resolusyon ng Senado na layong ibasura ang impeachment case ni VP Duterte. | via Alegris Galimba | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV