PNP magde-deploy ng 37,000 pulis para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 16

All-out ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 16, matapos ianunsyo ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na mahigit 37,000 pulis ang ide-deploy sa buong bansa!

Sinabi ni Fajardo na maglalagay ng police assistance desks, mobile at foot patrols malapit sa mga paaralan para gabayan at protektahan ang mga estudyante, magulang, at guro.

“Nakahanda na tayo!” ani Fajardo.

Dagdag pa niya, sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre na isasara ang mga police boxes at community precincts upang masigurong makikita ang mga pulis sa lansangan at komunidad.

Layunin daw nitong pabilis ang aksyon ng pulisya, habulin ang mga kriminal, at siguraduhing ligtas ang publiko — alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lang dapat bumaba ang krimen, kundi maramdaman ng tao ang seguridad. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Yancy Lim

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *