Bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa bansa, patuloy na tumataas –PSA

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga Pilipino may trabaho sa bansa.

Sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 95.9% ang employment rate nitong April 2025 na may katumbas na 48.67 million.

Mas mataas ito kumpara sa naitala noong April 2024 na nasa 48.35 million.

Nakapagtala rin ng bahagyang pagtaas sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong April 2025 na nasa 4.1% o 2.06 million mula sa 4.0% noong April 2024.

Samantala, nasa 14.6% o 7.09 million naman ang underemployed o ang mga manggagawang hindi sapat ang sinusweldo at hindi angkop ang kanilang trabaho sa kanilang kakayahan.

Kabilang sa mga industriyang may pagtaas sa bilang ng nagkatrabaho ay ang admin at support service, construction, wholesale at retail trade, maging ang fishing at aquaculture. | via Alegria Galimba | Photo via PSA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *