Nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipino na magnilay ngayong Eid al-Adha: Ano ang kaya mong isakripisyo para sa bayan?
Sa kanyang mensahe para sa Eid al-Adha, hinimok ni Marcos ang bawat Pilipino — anuman ang relihiyon — na pag-isipan ang sakripisyong makapagpapatatag sa bansa.
“Hindi mahalaga kung gaano karami ang ibinigay, kundi kung anong dignidad, katarungan, at malasakit ang naibalik,” ani Marcos.
Inalala rin niya ang kwento ni Propeta Ibrahim na handang ialay ang anak na si Ishmael sa ngalan ng pananampalataya — isang kuwento ng lubos na pagsunod at paniniwala.
Para kay Marcos, ang tunay na debosyon ay nasusubok kapag kailangang bitawan ang bagay na akala mo’y hindi mo kayang pakawalan.
Dagdag pa niya, ang pagdiriwang ng Eid al-Adha ay paanyaya sa mas mahirap pero mas makabuluhang paglalakbay — patungo sa isang pusong handang magsakripisyo para sa mas mataas na layunin.
“Kapag iniwan natin ang yabang at kinahuhumalingan, may puwang tayong nililikha para sa Diyos — sa puso natin at sa bayan,” pahayag ng Pangulo.
Ang Eid al-Adha ay ang pangalawa sa dalawang pinakamahalagang pista ng Islam, kasabay ng pagtatapos ng Hajj o banal na paglalakbay sa Mecca. | via Allan Ortega | Photo Courtesy of the PND
#D8TVNews #D8TV