Binulabog ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang edukasyon sa panukalang alisin na ang mandatory Senior High School (SHS) sa ilalim ng K to 12 program! Sa kanyang Senate Bill No. 3001, iginiit niyang hindi natupad ng SHS ang mga ipinangakong benepisyo sa mga estudyante.
Aniya, 12 taon na mula nang ipatupad ang K to 12 pero palpak pa rin. Dagdag-pasanin lang daw ito sa oras at bulsa ng mga estudyante at magulang. Imbes na 2 taong SHS, gusto niyang ibalik sa 1 taong Kindergarten, 6 na taon sa Elementarya at 4 na taon sa High School.
Kinuwestiyon din ni Estrada kung nasaan na ang “college-ready” at “job-ready” graduates na pinangako ng programa. Pati DepEd, aminadong di pa naabot ang layunin ng SHS – siksik sa kurikulum, pagod ang teachers, at kakaunti ang nahahanap na trabaho!
“Ayusin na natin ang sistema. Palitan natin ng mas praktikal at epektibong paraan,” giit ni Jinggoy. | via Lorencris Siarez | Photo via mns
#D8TVNews #D8TV