Nasamsam ng NBI ang hinihinalang ‘ecstasy’ mula sa Europe

Arestado ang shipment ng hinihinalang ecstasy galing pa sa France matapos itong masabat ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Huwebes sa isang operasyon sa Clark Freeport Zone!

Ayon sa NBI, ang kanilang Pampanga District Office (PAMDO) katuwang ang Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs, ay nagsagawa ng operasyon sa UPS Warehouse sa Mabalacat, Pampanga.

Nahuli sa inspeksyon sa Clark International Airport ang isang kahina-hinalang medium-sized brown box na idineklarang animal food. Pero sa halip na pagkain, bumungad ang apat na vacuum-sealed na plastic pack na may lamang hinihinalang ecstasy tablets!

Galing ito sa UPS France, 460 Rue Du Valibout Plaisir, at nakapangalan kay Jerico Gregorio Causon ng Quezon Street, Brgy. San Miguel, Taguig City.

Patuloy pa ang imbentaryo at dokumentasyon, habang iniimbestigahan ang malalim na koneksyon ng shipment sa drug trade. | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *