Hatid ng gobyerno ang sari-saring aktibidad para sa ika-127 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12! Kabilang dito ang libreng gamutan sa “Klinik Kalayaan” sa Luneta ngayong Hunyo 10, alas-7 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon. Pinangunahan ito ng Department of Health at ibang ahensya para sa mga kapos sa buhay.
Abangan din ang Parada ng Pag-anyaya sa Hunyo 8—firetruck convoy iikot sa mga kalsada ng Metro Manila kasama ang mga volunteer firefighters. “Wag mabigla sa sunud-sunod na trak, bahagi ‘yan ng selebrasyon,” ani Eufemio Agbayani III ng NHCP.
Sa Hunyo 12, pangungunahan ng AFP ang parada. May booths din mula Hunyo 10–11 kung saan tampok ang serbisyo ng iba’t ibang ahensya. Sa Rizal Park, may floats, performances, at discounted paninda gaya ng gulay, damit at sapatos.
Tema ng 2025: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.” | via Allan Ortega | Photo via PNA/Avito Dalan
#D8TVNews #D8TV
