Teves, Naghain ng Not Guilty Plea sa Kaso ng Pampasabog; Humarap sa Korte Matapos ang 2 Taong Pagtatago

Not Guilty Plea ang inihain kay Negros Oriental Rep, Arnolfo Teves Jr. kahapon ika-4 ng Hunyo 2025, sa kaso ng illegal possession of explosiveness sa Manila Regional trial Court Branch 12.

Pinangunahan naman ni Judge Renato Enciso ang naganap na pagsasakdal kahapon hinggil sa mga alegasyon kaugnay ng mga natagpuang high-powered na mga armas sa compound ng kanilang pamilya sa Bayawan City noong 2023.

Bagama’t humiling naman kay Teves ang mga abogado nito na sa pamamagitan na lamang ng Video Conference isagawa ang pagsasakdal, taas-noo pa ring pumunta si Teves sa korte.

Matapos ang kaganapan kahapon, susundan naman ito ng pre-trial kung saan magkabilang Partido na ang maghahayag ng kani-kaniyang ebidensya

Sa kabila nito, si Teves ay humaharap sa iba ring kaso gaya ng frustrated murder, murder, at attempted murder hinggil sa terorismo at pagkasawi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at ng sampung iba pa.

Dalawang taon ding tinaguan ni Teves ang batas kaya’t matatandaang tinugis siya nito at na-deport mula sa Timor-Leste kamakailan kaugnay ng mga mabibigat na kaso laban dito.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation o (NBI) si Teves na may Maximum Security Compund ng New Bilibid Prison sa Building 14. | via Ghazi Sarip | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *