Mas malaki ang kinita ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa pagbebenta ng mga ari-arian noong 2024, umabot sa P411.4 milyon — tumaas ng 24.7% kumpara sa P330 milyon noong 2023!
Sa kabuuang 281 properties na ibinenta, 71 ay pag-aari ng PDIC at 210 naman galing sa mga bangkong ipinasara. Mas mataas pa sa minimum bid price na P398.3M ang total sales – may sobra pang P13.1M! P194.9M ang kinita sa public biddings at P216.4M naman mula sa negotiated sales.
Ang kita mula sa mga saradong bangko ay naka-trust fund at ginagamit pambayad sa mga creditor at depositors na walang insurance. Samantala, ang benta ng corporate assets ay dinadagdag sa Deposit Insurance Fund para masigurong may pondo para sa claims.
Tiwala ang PDIC na mas mapapabilis pa ang asset sales gamit ang mga makabagong estratehiya. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV