Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Huwebes at inaasahang papasok sa loob ng 24 hanggang 48 oras, ayon sa Pagasa.
Ayon kay Weather Specialist Chenel Dominguez, ang LPA ay huling namataan 1,255 kilometro silangan ng northeastern Mindanao. Mababa pa raw ang tsansang maging bagyo ito, pero magdadala na ito ng ulan sa Eastern Visayas at Mindanao dala ng trough o buntot nito.
Mga apektado ng ulan Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte
Samantala, ang habagat o southwest monsoon ay patuloy na umiiral at magpapaulan sa Luzon, lalo na sa kanlurang bahagi.
May ulan din sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera, Zambales at Bataan.
Sa Metro Manila at natitirang lugar sa Luzon maulap at may tsansa ng localized na ulan sa hapon at gabi.
Sa Palawan, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi malaki rin ang tiyansang umulan dahil sa habagat.
Sa Visayas at Mindanao naman maaraw pero maghanda sa localized thunderstorms sa hapon at gabi. | via Lorencris Siarez | Photo via DOST-PAGASA’s FB Page
#D8TVNews #D8TV