Buhay na naman ang dugo ng mga Pinoy boxing fans matapos ang anunsyo ng pagbabalik ni Manny Pacquiao, ay isa pang alamat ang muling sasabak sa laban — si Nonito “The Filipino Flash” Donaire.
Sa edad na 42, lalaban si Donaire para sa interim WBA bantamweight title sa June 14 sa Buenos Aires, Argentina laban sa mas batang si Andres Campos ng Chile (28 y/o, 17-2-1 record, 6 KOs). Huling lumaban si Donaire noong Hulyo 2023 at natalo via decision kay Alexandro Santiago.
Pinayagan ng WBA ang laban dahil itinuring na “champion in recess” ang Hapones na si Seiya Tsutsumi.
Samantala, si Pacquiao, 46, ay magbabalik naman sa July 19 sa Las Vegas kontra kay Mario Barrios ng Texas (29-2, 18 KOs) para sa WBC welterweight belt. Matatandaang huli siyang lumaban noong 2021 kontra Yordenis Ugas ng Cuba. | via Allan Ortega | Photo via Premiere Boxing Champions
#D8TVNews #D8TV