Tutol ang Directors’ Guild sa panukalang batas ng Senado na nagpapalawak sa mandato ng MTRCB

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang Directors’ Guild of the Philippines Inc. (DGPI) laban sa Senate Bill 2805 ni Sen. Robin Padilla na layong palawigin ang kapangyarihan ng MTRCB para masaklaw na rin ang mga online streaming platforms tulad ng Netflix at YouTube.

Sabi ng DGPI, okay lang daw ang content classification para protektahan ang mga bata, pero galit na galit sila sa pagpapanatili ng X-rating, na para sa kanila ay panggigipit sa malayang pagpapahayag ng mga artist at manonood.

Tinawag nilang “mapanupil at katawa-tawang batas” ang SB 2805 at sinabing tinataga nito ang naghihingalong industriya ng pelikula. “Habang may ibang programa ang gobyerno para buhayin ang creatives, eto naman, tila sinasabotahe!” banat nila.

Dagdag pa nila, hindi dapat pakialaman ang online streaming dahil private viewing ito at hindi pampublikong palabas.

Sa kabilang banda, sagot ni MTRCB Chair Lala Sotto, wala pa naman sa Kamara ang bersyon ng batas at nilinaw na walang sapilitang review sa mga online content. Basta, ang mahalaga raw ay ang proteksyon ng mga bata. | via Allan Ortega | Photo via Senate PRIB

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *