Mahigit 40,000 miyembro ng maralitang sektor nakinabang sa ₱20/kilong bigas

Swak sa bulsa at kalidad! Umabot na sa 9,487 pamilya o higit 40,000 tao ang nabiyayaan ng programang “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” ng Department of Agriculture (DA), sa utos ni Pres. Bongbong Marcos.
Mula May 13 hanggang May 23, halos 95,000 kilo ng bigas na ang naibenta sa halagang ₱20 kada kilo, katumbas ng PHP1.9 milyon!

Mura na, masarap pa ang bigas ayon kay DA Asst. Sec. Arnel de Mesa. Dagdag niya, ito raw ang pinakapaborito ng masa at katuparan ng pangako ng Pangulo.

Makakabili na rin ng BBM Rice sa 55 KNP centers at Kadiwa stores sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindoro – mula Aurora hanggang Cebu! Target ding buksan ito sa Bacolod ngayong linggo.

Bukod sa tulong sa masa, bumababa rin ang presyo ng commercial rice! Mula ₱45-50, ngayon ay nasa ₱35-38 na lang.

Hindi lang BBM Rice ang dahilan – tinutulungan din ng Rice for All (RFA) program at magandang ani ng lokal na palay. Sa RFA pa lang, mahigit 161,000 pamilya ang nabigyan ng bigas! | via Allan Ortega | Photo via PNA/Ben Briones

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *