Ipinahayag ng Malacañang na ipagpapatuloy ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program, ngunit kasalukuyang nire-review ang iskedyul ng implementasyon nito. Layunin ng programa na palitan ang mga lumang jeepney ng mas ligtas at environment-friendly na sasakyan.
Ayon sa Palasyo, isinasagawa ang pagsusuri sa timeline upang matiyak na ang mga hakbangin ay naaayon sa kasalukuyang kalagayan at pangangailangan ng mga operator at driver. Ang PUV Modernization Program ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “Build Better More,” na naglalayong pagandahin ang imprastruktura ng bansa.
Ang programa ay inilunsad noong 2017 upang mapalitan ang mga lumang jeepney ng mas ligtas at environment-friendly na sasakyan. Sa kasalukuyan, patuloy ang konsultasyon sa mga stakeholders upang matiyak ang maayos na implementasyon ng programa. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV
