PDEA, bilib sa 10 Mangingisdang Bayani ng Bataan, 1.5B floating shabu isinuko

Isang malaking karangalan ang ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa sampung mangingisda mula Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan matapos nilang isuko ang halos ₱1.5 bilyong halaga ng shabu na kanilang natagpuan na palutang-lutang sa dagat ng Masinloc, Zambales noong Mayo 29, 2025.

Noong Hunyo 2, personal na isinuko ng mga mangingisda ang 10 sako na may lamang 223 vacuum-sealed plastic packs ng hinihinalang shabu, na may bigat na 222.655 kilo, sa mga operatiba ng PDEA at Philippine Coast Guard.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, “Bayani ang mga mangingisda! Pinili nilang gawin ang tama, hindi sila nagpasilaw sa pera.”

Ibinida rin ng PDEA ang “Coast Watch” program, kung saan tinuturuan ang mga mangingisda at opisyal ng barangay kung paano mag-ulat ng mga kahina-hinalang kilos sa dagat.

Habang iniimbestigahan pa kung saan galing ang shabu at sino ang responsable sa pagtatapon nito sa dagat, pinasalamatan din ng PDEA ang kooperasyon ng PNP at PCG sa pagbabantay sa baybayin ng bansa. | via Lorencris Siarez | Photos via PDEA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *