PBBM ikinatuwa ang mga pagbabago sa NAIA

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong pasilidad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Kabilang sa kanyang binisita ang immigration area, annex para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), lounge at rest area, at ang bagong transportation network vehicle services (TNVS) hub.

Ipinahayag ng Pangulo ang kanyang kasiyahan sa mga modernisasyon na isinagawa ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), isang consortium na pinamumunuan ng San Miguel Corporation. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na plano ng gobyerno na palawakin ang kapasidad ng NAIA mula 35 milyon hanggang 62 milyong pasahero kada taon, at mapataas ang air traffic movement mula 40 hanggang 48 kada oras.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng patuloy na pagsubaybay sa mga proyekto upang matiyak na natutupad ang mga itinakdang timeline at inaasahang serbisyo. Aniya, “Everything is going to get better for the passengers, everything is going to get better for the employees, everything is going to get better for the government.” | via Dann Miranda | Photo via PCO

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *