DOH at PhilHealth, suportado ang pagbaba ng premium rate

Suportado ng Department of Health (DOH) at PhilHealth ang panukalang bawasan ang premium rate ng mga miyembro sa 2025, upang mapagaan ang pasanin ng mga Pilipino, lalo na sa gitna ng patuloy na taas-presyo.

Ayon sa PhilHealth, bagama’t bababa ang kontribusyon, mananatili ang sapat na pondo para sa mga benepisyo gaya ng outpatient at inpatient services. Siniguro rin ng DOH na ang hakbang ay hindi makaaapekto sa kalidad ng serbisyong medikal, kundi magpapalawak pa nga ng access sa health coverage.

Para kay Health Secretary Teodoro Herbosa, makatutulong ito para mas maraming Pilipino ang maprotektahan sa gastusing medikal. Sa ngayon, isinusumite pa ito para sa pagsusuri at pag-apruba ng mga kinauukulan. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *