Isang mainit na bakbakan ng argumento sa pagitan nila Senator Francis Tolentino at Senator Koko Pimentel ang sumalubong sa muling pagbubukas ng sesyon sa Senado nitong June 02.
Tinawag na ‘functionally dismissed” ni Tolentino ang usapin sa impeachment case ni VP Sara Duterte kung hindi ito matatapos ng June 30, 2025, dahil hindi ito maaaring tumawid mula 19th Congress at magpatuloy sa papasok na 20th Congress.
Ani pa ng pa-graduate na senador, ang lahat ng legislative at investigative work ng 19th Congress ay dapat na magtapos sa pagtatapos ng sesyon ng 19th Congress.
Sagot naman ni Senator Pimentel, batay sa 1987 Constitution dahil hindi umano ito ipinagbabawal.
Pahayag pa ni Pimentel na ayon sa Senate Rules of Impeachment na dapat umanong magpatuloy hanggang Final Judgement kahit na kailanganin pang tumawid sa susunod na Kongreso dahil hindi dapat maapektuhan nito ang pagbabago ng mga miyembro.
Nanatili naman si Tolentino sa kaniyang katayuan na wala umanong batas sa kasalukuyan hinggil sa mandato para sa Trial to Carry Over, nilinaw niya ring hindi magkatulad ang 1935 Constitution at 1987 Constitution.
Sinabi naman ng mga senador at kapwa abogadong sina Pimentel at Tolentino na naiakyat na sa Korte Suprema ang usapin hinggil sa Impeachment. | via Ghazi Sarip | Photo via Wikipedia
#D8TVNews #D8TV