Tumaas ng 500% ang bilang ng mga kaso ng HIV sa mga kabataang Pilipino na nasa edad 15 hanggang 25, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).
Dahil sa mabilis at patuloy na pagdami ng kaso, idineklara ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang national public health emergency para agad na matugunan ang krisis.
Ayon sa DOH, kung hindi ito maaagapan, maaaring umabot sa mahigit 400,000 ang bilang ng mga Pilipinong mamumuhay na may HIV sa mga susunod na taon.
“Hindi natin puwedeng balewalain ito,” ayon kay Herbosa. “Kailangan ng mas pinaigting na education campaign, early testing, at accessible treatment.”
Ang Pilipinas na ngayon ang may pinakamabilis na pagtaas ng HIV cases sa Western Pacific, ayon sa international health data.
Sa likod ng mga numerong ito ay ang henerasyon ng kabataang walang sapat na kaalaman, takot o access sa tamang proteksyon—isang sitwasyong patuloy na tinutugunan ng mga health advocate at NGO. | via D8TV News | Photo via Wikipedia
#D8TVNews #D8TV