Habagat, ITCZ magpapaulan sa Luzon at ilang bahagi ng Mindanao

Binabayo ng habagat ang Luzon kaya’t asahan ang mga pag-ulan at kulog sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, at Pampanga, ayon sa PAGASA ngayong Martes. Samantala, dala naman ng ITCZ ang ulan sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani, at mga bahagi ng Davao Region.

Banta ng baha at landslide nakataas na dahil sa moderate hanggang heavy rains!

May mga localized thunderstorm pa sa natitirang bahagi ng bansa. Walang bagyong binabantayan sa ngayon, pero maghanda pa rin, malalakas ang hangin at maalon sa hilaga’t kanlurang Luzon.

Mainit pa rin sa Guiuan, Eastern Samar na umabot sa 47°C ang heat index, habang 45°C naman sa Cagayan, Isabela, Catanduanes, at Masbate. Iba pang lugar umabot sa 42–44°C!

Paalala ng PAGASA delikado ang init na ito at posibleng magdulot ng heat stroke, cramps, at pagkapagod lalo na sa matagal na exposure sa init ng araw, kaya dapat ugaliing uminom ng tubig, umiwas sa direktang araw, at magpahinga! | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *