BI inaresto ang 39 ‘undocumented aliens’ sa kompanyang telco sa BGC

Dinampot ng Bureau of Immigration (BI) ang 39 na Chinese nationals sa isang operasyon sa Bonifacio Global City, Taguig noong Mayo 29! Target ng raid: isang malaking telecom company kung saan nadiskubreng ilegal na nagtatrabaho ang mga dayuhan.

Ayon sa BI, wala silang maipakitang wastong travel documents, at bagamat may work visa, ito’y para sa ibang kumpanya—labag sa kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa!

Pinlano nang ilang linggo ang operasyon at katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Babala ni BI Commissioner Joel Viado: “Walang lusot ang mga banyagang lumalabag sa batas natin!”

KASABAY NITO, isang Koreano na wanted sa South Korea dahil sa P400 milyong fraud ang naaresto sa Pasay! Kinilala siyang si Nam Sungjin, 53 anyos, pinaghahanap sa Korea dahil sa pandaraya. Ayon sa ulat, nagpanggap siyang negosyante sa Korea at Pilipinas.

Parehong ikinulong ang mga dayuhan at sasailalim sa deportation proceedings. | via Lorencris Siarez | Photo Courtesy of BI

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *